Biyernes, Mayo 26, 2017

DARREN ESPANTO

DARREN LYNDON GONZALES ESPANTO




  • May 24 2001
  • Calgary, Alberta Canada
  • 15 years old
  • Lyndon & Marinel Espanto
  • Lynelle Espanto
  • Filipino Canadian
  • Pinoy Singing Sensation Champion
  • The Next Star First Runner Up
  • The Voice Kids PH Season 1 1st Runner Up
  • Noticed Him: Nicki Minaj, Jessie J, Ashton Kutcher
  • 45 Awards in just 2 years
  • 38 concert in just 2 years
  • The Total Performer

Paano ko nakilala ang isang Darren Espanto?
Paano ko minahal ang isang Darren Espanto?

DARREN'S JOURNEY

June 01 2014 sa isang variety show na The Voice Kids PH may isang lalaking nag ngangalang DARREN ESPANTO na kumanta ng Domino by Jessie J. Blind Audition palang marami na siyang pinahanga 2 coaches ang humarap para siya ay makita. doon nagsimula ang journey ng isang DARREN ESPANTO. 

nung natapos yung TVK akala namin babalik na siya ng canada because doon siya nakatira both registered nurse yung parents niya sa canada. pero nagstay siya dito dahil parami rami na yung fans niya at isa na ako dun. 
nagstay siya dito sa philippines tapos sumikat siya. hindi namin inexpect na mas sisikat pa siya sa champion. pinapatunayan niyang siya talaga dapat yung champion ng TVK. siguro yun na yung plan ni god kung bakit hindi siya nanalo. about naman sa ugali niya iba siya sa mga artistang nakilala ko hindi siya yung artistang pagnaka harap sa camera napaka amo pero pagkatalikod iba na hindi siya ganon. iba siya yung tipong grabe na yung puri na binibigay sa kanya tapos siya humble padin. yung tipong hindi nawawala yung PO at OPO niya pag magbibitaw ng salita. andami ng ganap sa buhay niya pagkatapos ng TVK merong TV guestings, Mallshow na laging sold out, Album na nagiging platinum, Concert na nasosold out din, Hakot Awards.
2years palang sa music industry pero halimaw sa FANS at awards. 


BASHERS
dati hindi ko siya kayang ipagtanggol sa mga taong sinasabihan siya ng bading dahil laging matataas yung kinakanta niya. 

DARRENATICS
Fandom ng nagiisang DARREN ESPANTO.
Fandom na handang suportahan ang nagiisang DARREN ESPANTO.
Fandom na palaban.
Fandom na kayang makipagsabayan sa KATHNIEL & JADINE.
Fandom na umaabot saan mang lupalop ng mundo.
Fandom na hindi kayang iwan ang isang DARREN ESPANTO.


yung sinabi mo kay tita nel na "EVEN THE MOST POPSTAR IN THE WORLD GETS BASHED WHO AM I TO BE SPARED" lalo mo talaga kaming pinapahanga. yung kaya mong saluhin lahat ng pang babash nila sayo pero ikaw parin itong panalo.


DARREN'S ACCOMPLISHMENT
andami mo ng na accomplish sa industry. andami mo ng naiambag sa industry. yung tinawag kang youngest performer na nag concert sa MOA ARENA na muntikan mo ng mapuno. yung naka 50+ ka ng award in just 2years. yng naka 38 concert ka na sa iba't ibang panig ng mundo. yung nakapagmallshow ka ng sunod sunod tapos lagi pang sold out. TATAK DARREN ESPANTO TALAGA



FANGIRLING

Hindi ko alam na may ganoon palang Variety Show kasi hindi naman talaga ako nanonood ng channel 2 or ABS CBN kasi malabo. hindi ko alam na may isang lalaking mamahalin ko ng sobra sobra. dati kasi ako yung tipo ng babaeng silent fan girl. 

1st Year Highschool ako nung makilala ko si DARREN ng dahil kay daryl. kay daryl nagsimula ang lahat. tinanong niya kami na kilala daw ba namin si darren espanto? yung iba nagsisagot na "yan ba yung nag blind audition sa the voice" habang ako takang taka kung sino yun hanggang sa ipakita niya yung picture ni darren. so ayun inistalk ko na yung darren espanto nanuod na ko ng mga vids niya. sinubaybayan ko na bawat laban niya sa the voice. hanggang sa dumating na yung day na Grand Finale na akala ko talaga siya yung mananalo kasi nasa kanya na lahat. tinawag siyang total performer. pero hindi siya nanalo. siguro may plan si God kaya hindi niya pina panalo si darren. doon na nagbago ang buhay ko. binago niya sa pamamagitan ng boses niya. kaya thankful ako na nakilala ko siya. 

hindi ko talaga hilig na makakita ng artista. hindi ako yung tipo na patay na patay  sa artista. pero ngayon grabe na yung tipong naka tambay na ko sa abs. yung dati na puro facebook lang yung ginagawa ko pag nagcecellphone. yung tipo na yung lockscreen at homescreen ko mukha ko lang yung nandon. yung tipong puro selfie ko lang yung nasa gallery ko. tapos dumating yung day na puro mukha na ni darren yung nasa cellphone ko. yung puro screenshot na hindi na puro selfie ko. yung tipong may Instagram na ko tapos may twitter pa. yung ig feed ko puro mukha niya. yung andami kong following tsaka followers na Darrenatics. yung tipo na gustong gusto ko na siyang makita. gustong gusto ko ng magkaroon ng selfie na kasama siya. ganon na yung buhay ko simula nung makilala ko siya.


dumating yung time na susuko na ako maging fangirl niya yung time na ididelete ko na lahat ng pictures siya sa cellphone ko. pero sa pagiging fangirl pala bawal sumuko. ganun daw talaga ang fangirl kelangan pag pinasok mo ang mundo ng fangirl mamahalin mo at susuportahan  mo ang bias mo hanggang sa mamatay ka hahahaha joke. dumating yung time na gustong gusto ko ng pumunta ng mallshows niya pero hindi ako pinapayagan or wala akong pera. yung may chance na makikita mo na siya pero hindi talaga kaya. pero hindi pa din ako sumuko kasi alam kong may plan si papa god para makita ko siya. nagipon ako, sumali ako sa mga darrenatics na chapter like darrenatics val. dumating na nga yung time na makikita ko na siya yung tipong nakapagipon kana tapos ready na yung lahat makita mo nalang siya yung hinihintay mo! 

MEET AND GREET
july 09 2016 & december 23 2016
nakita ko na siya personal yung darren na nakikita ko lang sa tv tapos nasa harap mo na grabe feeling ko ako na yung pinaka masayang tao that time. nakita ko siya sa Fairview terraces tapos last december sa Sm marilao naman like ang aga ng christmas gift ko sa sarili ko.


DARREN ESPANTO
minahal ko sobra.
pinahanga ako ng sobra.
nagpabago sakin.
naging inspiration ko.

Dear: Darren
Hi my happy pill. Thankyou for being my inspiration everyday. thankyou for giving me a smile everytime na nasa tv ka. thankyou binago mo yung life. naging masaya ako ng dahil sayo. sa konting smile mo lang andami mo ng napapasayang tao. wala talagang time hindi mo kami pinahanga. thankyou dahil tinuring mo kaming second family mo. huwag kang magbabago ha! ayaw naming DNs na magbago ka kasi ayun yung minahal namin sayo. dati baby boy ka lang namin ngayon baby binata ka na. andami mo ng fans iba ka talaga bata. sana next concert mo makapunta na ko! kasi yun yung goal ko sa buhay yung makita kita na nagpeperform sa malaking stage at punong punong DNs hopefully next year gagawin ko lahat makapunta lang sa concert mo! ILOVEYOU MY HAPPY PILL SEE YOU SOONEST THANKYOU.





























Walang komento:

Mag-post ng isang Komento